Di mo lang alam, mahirap mag-isa
Akala mo ganun ako kasaya
Di mo lang alam, ako'y nagsisi na
Ayoko nang maulit pa ang nagawa

Di kasi ako sa'yo naging tapat
Di kasi ako sa'yo naging tapat
Ayoko nang mag-isa

Di ko nga maisip kung bakit ganito kasakit
Ang mapunta ka sa iba
Di kita masisi kung bakit ka ganyan
Malamang ako din ang dahilan

Di kasi ako sa'yo naging tapat
Di kasi ako sa'yo naging tapat
Ayoko nang mag-isa

Unti-unting natutunaw
Unti-unting lumuluha
Unti-unting giniginaw
Sa'yo...

Di kasi ako sa'yo naging tapat
Di kasi ako sa'yo naging tapat
Ayoko nang mag-isa