Kung sinabi mo noon ako'y iyong mahal 
Di sana ay tayo na ang nagkatuluyan 
At sinabi ko noon ikaw ang mahal ko 
Ito'y tapat at may dalang walang hanggang pangako 

Ngunit di nagkatotoo 
May iba kang nakita 
Kaya't nakapagtataka 
Ba't ako'y hinahanap mo pa 
Kung tayo'y magkikita muli 
Pwede bang magtanong sayo 
Ang tibok ba ng puso mo'y nagbago 

Kung sinabi mo noon ikay may pagtingin 
Di sana ay wala ng makakapaghadlang sa atin 
Nung sinabi ko noon na ikaw lang ang mahal 
Ang nasa isip ko ito'y magtatagal 

Ngunit di nagkatotoo 
May iba kang nakita 
Kayat nakapagtataka 
Bat ako'y hinahanap mo pa 
Kung tayo'y magkikita muli 
Pwede bang magtanong sayo 
Ang tibok ba ng puso mo'y nagbago