Sana`y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit nang pag-ibig habang ako`y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing,
Ang bantay ko`y tala, ang tanod ko`y bitwin,
Sa piling ni Nanay langit ang buhay,
Puso kong may dusa,
Sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog
Sa dating duyan ko Inay
O, Inay......